Gamit ang mga button sa ibaba, maaaring makakalap ng karagdagang impormasyon ukol sa BUCAS Centers. Maaari rin makita ang mapa ng BUCAS Centers sa Pilipinas.
© 2026. Ang impormasyon ay gabay lamang at hindi legal o propesyonal na payo. Ang gumagamit ay dapat magsagawa ng sariling pagsasaliksik o kumunsulta sa eksperto.

Ang Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) Center ay isang pampublikong institusyong naglalayong ipaabot ang agarang medikal, surdikal, at dental na pangangalaga sa ordinaryong Pilipino.

Ang BUCAS Center ay isang alternatibo sa masikip na emergency room ng mga ospital. Sa mga center na ito, maaaring makatanggap ng paggamot, konsultasyon, x-ray, laboratoryo, minor na operasyon, tulong dental, follow-up check, at referral.

Ang mga BUCAS Center ay nagbibigay ng libre o may discount na konsultasyon, laboratory test, bakuna, at medical procedures para sa komunidad. Ang tulong pinansyal na ito ay nagmumula sa PhilHealth, MAIFIP program, Malasakit Centers, at DOH.

Itinayo ang mga BUCAS Center habang isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga ordinaryong Pilipinong may pinansyal na pangangailangan. Samakatuwid, ang mga BUCAS Center ay matatagpuan sa mga malalayong lugar at probinsya para mas mapadali at mapalapit ang pagkuha ng tulong medikal. Pindutin ang button ng "Mapa" sa ibaba upang makita ang ilan sa mga lokasyon ng BUCAS Centers sa Pilipinas.
Source: GMA News (2026); San Miguel Corporation (2025); Concha, A. (2024)
© 2026. Ang impormasyon ay gabay lamang at hindi legal o propesyonal na payo. Ang gumagamit ay dapat magsagawa ng sariling pagsasaliksik o kumunsulta sa eksperto.
Maaaring makita sa ibaba ang karamihan (40) sa mga BUCAS Center (60+) sa bansa sa kasalukuyan.
Source: Radyo Pilipinas (2025); Concha, A. (2024)
© 2026. Ang impormasyon ay gabay lamang at hindi legal o propesyonal na payo. Ang gumagamit ay dapat magsagawa ng sariling pagsasaliksik o kumunsulta sa eksperto.